Gamit ang iyong Android phone, hanapin at i-install ang Huload app mula sa Google Play Store.
Buksan ang Huload app at i-tap ang “Activate Account”.
I-type ang tamang account number ng iyong motorcycle loan.
Kapag lumabas ang iyong tamang contact number, i-tap ang “YES”. Kung mali ito, i-tap ang “NO”. Importante na tama ang mobile number dahil dito ipapadala ang verification code.
Ilagay ang verification code na ipinadala sa iyong number.
Ilagay ang chassis number ng iyong motorsiklo.
Para sa mas maayos na serbisyo, ilagay ang iyong birthday at TODA name.
Ilagay ang iyong password (6 characters pataas) para sa iyong account.
Gamitin ang iyong account number at password upang makapasok sa app. Pagka-login, makikita mo ang mga sumusunod na section:
HOME, PAYMENTS, SOA, PAY NOW
Makikita dito ang status ng iyong loan at account.
Dito mo makikita ang history ng lahat ng iyong bayad.
Makikita dito ang daily payments at status kung late, advance o up-to-date.
Maari kang magbayad gamit ang app. Pumili lamang ng payment method: Maya, QRPH o GCash at sundan ang pahina.